Influences (or Why I Write the Way I Do)

Natalie Goldberg (free-flowing writing)
Clarissa Pinkola Estes (wild woman writing)
Jane Hutchison (direct-to-the-point writing)
Ernest Hemingway (simple words writing)

Tuesday, August 11, 2009

Ako Naman: Ycalaua's Story


alam nyo, yan si vitti, lab ako nyan. kung si Uno ang unforgettable first, ako naman ang Unleavable Second. di bale nang ikalawa (Ycalaua nga 'no, hello?), ako naman ang di nya maiwan-iwanan sa mga lakad nya. siguro kasi ako lang ang kasya sa bag nya (obvious ba?). ito kasi si vitti, ayaw magdadala ng malaking bag. gusto nya sling o body bag or backpack to keep her hands free daw. masakit man aminin na bansot ako, i'm proud to say na ako ang kasama-kasama ni vitti LAGI (within hearing distance of Uno) sa mga meetings, sa 'office' nya, sa pagpunta ng lib, sa refectory, sa Guild, sa Murdoch Bookshop, sa Coles, IGA at K-mart, pati nga pagsimba, bitbit ako nyan. small yet handy ika nga.


hoy Uno, may authentic mark din ako ni yaman akala mo? napag-laruan minsan at muntikan nang madale lahat ng katawan ko. pero lab talaga ako nyan ni vitti. rather than deface me, she chose to let my imperfections hang
(marunong din akong umingles, Uno).


unique si vitti sa hilig sa multi-colored pens. mahilig syang magpapalit-palit depende sa idea at kung may gusto syang di makalimutan like names, dates, phone numbers or idea kung nagkahalo-halo man yun. pero minsan, sumasablay din. kahit pa gamitin nya red, green, or blue, makakalimutin kasi sya. nakakalimutan nya kung saang page nilagay ang address, cell number or bank numbers (meron lang naman syang 2 sa intsik at 3 sa manila --- ewan ko lang kung may laman...). kung pwede nga lang akong sumigaw --- hoy! nandito hinahanap mo! pero di ko carry. baka ihagis ako. malamang, i have to recommend to moleskine.com to make notebooks with page numbers?!!!!


sari-sari ang hawak ko. heto, di sya mapakali isang araw kaya nagcompute ng nagcompute ng ipon at gastos. sa pera kasi, vitti is more of a micro-manager. every penny earned and every penny saved is counted. buti na nga lang may nae-earn at nase-save. natuto na rin ang bosa ko kahit papano. kaya nga, lab na lab ko si yaman.


heto nga at nilagyan pa ako ng mapa. Uno, kasama nya ako sa pag interview ng urban poor so natural may hawak din akong info sa kanila. wag ka nang magtampo. may mga apat pa ditong drawing...seryosa bosa natin. buti na lang, ever reliable tayo.


pero huh, Uno, wala ka talaga nito. wala kang hawak na datung like me he he. talo! talo! talo! sige na, sige na, mas malaki ka, panalo! panalo! panalo! (whispering...pero totoong talo, talo, talo he he). nagsimula ito ng suklian si vitti ng P500 na tig-P50 sa mall. P50 as in red, crisp, brand new P50s. naisip nyang wag gastusin so sakin nya nilagay. i have a useful backflap you see?! (meron ka din nito Uno, wag ka na maingay). useful kasi may nahuhugot sya pag walang baryang pambayad sa taxi (sa manila po ito) at may napaglagyan din ng di nagastos na philippine money nung july (sa NAIA airport po ito).

all in all, i serve one God-damn purpose and i'm proud of it! andito ako ngayon sa perth --- lamig! it's winter, man! at alam ko, kakailanganin ako ng bosa ko ever sa pagbuo nya ng libro. windang nga lang sya ngayon sa dami ng babasahin (books at journal articles daw) at naaabala pa ng pagbasa ng pocketbooks! itong isa, buhay ng isang 'rock legend' (janis joplin daw ang pangalan). minsan, tatawa tawa habang patindig binabasa si hemingway (nagpapaliit ng tyan bosa ko so 30min-1hour after eating nagbabasa syang nakatindig). gaya ngayon, nagba-blog nakatindig! so, pano? kita-kits na lang at magsusulat na si bosa tungkol dun sa mga meeting at interviews at mapang nilalaman ko. as they say here, see you around mate!

No comments: